Ni Vhal Divinagracia
DAPAT magkaroon ng apat na COVID-19 hospitals sa Metro Manila.
Ito ang nakitang solusyon ni National Inter-Agency Task Force Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr. kung saan aniya epektibo ang naturang istratehiya para mas ma-contain pa ang paglaganap ng nakamamatay na virus.
Samantala, ani Galvez kung maabot na ng Department of Health ang daily testing output na 32,000, mas giginhawa na aniya ang sitwasyon ng bansa.