Ni Vhal Divinagracia
BABALIK sa MECQ status ang Metro Manila kung hindi babagal ang kaso ng COVID-19 pagkatapos ng dalawang linggo.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naganap na public address sa MalacaƱang kagabi.
Dahil dito, hinimok ni Roque na manatiling maingat ang mga mamamayang nakatira sa Metro Manila.
Samantala, kasalukuyang nasa MECQ status na ang Cebu City habang nasa GCQ status naman ang syudad ng Lapu-Lapu at Mandaue City.