Ni Melrose Manuel
INIHAYAG ng Palasyo na posibleng maibalik sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang Metro Manila sakaling sumipa ang kaso ng COVID-19 sa 85,000 pagsapit ng Hulyo 31.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod na rin ng pagtaya ng mga eksperto mula sa University of the Philippines.
Sa ngayon nasa general community quarantine ang Metro Manila hanggang Hulyo 31.
Nauna nang sinabi ng Malakanyang na upang hindi magutom ang maraming Pilipino, mahalagang buksan ang ekonomiya.
Dagdag pa ni Roque na mahihirapan ang ekonomiya kung muling magsasara ang mga negosyong nagbukas.
Nakatakdang ianunsyo ni Pangulong Duterte ang community quarantine status ng ibat-ibang lugar sa bansa sa darating na Agusto 1.