Ni Jao Gregorio
HINDI na naitago pa ni Senator Imee Marcos ang pagkapikon nito sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Ito ay matapos na muling pumutok ang isyu ng umano’y kurapsyon sa loob ng ahensya.
Sa naging panayam ng SMNI News, aniya pigang-piga na ang gobyerno kung paano rerespondehan ang pangangailangang medikal ng bansa ngunit nakikisabay pa ang PhilHealth.
Punto pa ni Marcos matagal nang umaalingasaw ang mga anomalya sa ahensiya simula noon pang 2003.
Sa pagbabalik sesyon ng Senado, isa sa mga nakatakdang imbestigahan nila ay ang anomalya sa ahensya na naging dahilan ng pagbibitiw sa pwesto ng isa sa mga opisyal nito.