Ni Jao Gregorio
HABANG tumatagal at nauungkat ang mga anomalyang kinasasangkutan ng KAPA Community Ministry International ay palalim ng palalim ang mga kasong kahaharapin nito.
Sa panayam ng Usaping Bayan kay Cong. Koko Nograles ng PBA Partylist, aniya ay dapat masilip ang lahat ng mga iregularidad ng grupo na pinamumunuan ni Pastor Joel Apolinario.
Una rito ani Nograles ay dapat maimbestigahan na ang mga known assest ng KAPA maging ang mga bank account nito.
Kataka-taka rin aniya ang pagkakaroon ng KAPA ng mga high-powered firearm at explosives na dapat malaman kanino nakapangalan ang mga ito.
Dapat rin aniya malaman kung kaninong property sila nagsipag-tago noong panahong pinaghahanap sila ng mga otoridad.
Punto pa ni Nograles na matutukan din ang mga fake news na nagsilutangan sa mga social media patungkol sa KAPA na tila labag na aniya sa community standards kagaya ng Facebook.
Samantala, may mensahe ang mambabatas sa mga naloko ng KAPA at nag-invest ng kanilang mga pera.