Ni Vic Tahud
NAGKAMPO na sa Manila North Port ang mga locally stranded individual (LSI) na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakauuwi sa kani-kanilang probinsya.
Ilan sa mga ito ay na-stranded sa Metro Manila sa loob ng apat na buwan simula nang ipatupad ang community quarantine sa Luzon.
Panawagan ng mga LSI na tulungan sila ng gobyerno na maka-uwi na.
Sa ngayon, hindi na naoobserba ang social distancing sa lugar dahil sa dumaragsang LSI.