Ni Melrose Manuel
PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga lumabag sa community quarantine sa buong bansa.
Batay sa huling datos ng Joint Task Force COVID Shield, umabot na sa 216,125 ang bilang ng mga violators simula nang ipatupad ang community quarantine noong Marso 17 hanggang Hulyo 6.
Mula sa kabuuang bilang ng mga lumabag, 114,059 dito ang binigyan ng warning at 35,326 ang pinagmulta.
Habang nasa 66,740 naman ang tuluyang inaresto