Ni Melrose Manuel
MAKAKUKUHA ng tulong mula sa gobyerno ang lahat ng private at government workers na positibo sa COVID-19.
Ito ay kung ang rason kung bakit nadapuan ng sakit ang empleyado ay work-related.
Ang tulong ay magmumula sa Employee’s Compensation Program (ECP) ng Employees’ Compensation Commission (ECC).
Sa ilalim ng programa, may iba’t ibang benefit packages ang maaring makuha ng mga empleyado oras na magkaroon ng work-connected sickness o injury.
Ang mga maaprubahang aplikasyon ay makatatanggap ng 10,000 pisong ayuda.
Kaya naman makatitiyak anito ang mga frontline workers na mayroon silang makukuhang tulong mula sa pamahalaan oras na magkasakit.
Ang ECC ay isang attached agency ng Department of Labor and Employement na nangangasiwa sa package benefits ng public at private sector employees sa work-connected contingencies.