Ni Melrose Manuel
IPINAGMALAKI ng Baguio City Government na natapos agad ang ginawang contact tracing sa bagong naitalang kaso sa lungsod.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nahanap nila at na-isolate na agad ang mga nakasalamuha ng 49 na kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng 24 oras.
Sinabi pa ni Magalong na ang mabilisang aksyon ang susi upang hindi sumirit ang kaso ng COVID-19 sa kada lugar.
Samantala, inalis na ang lockdown sa mahigit 10 barangay sa lungsod ng Baguio kung saan ay ginawa ang contact tracing efforts, habang nananatili paring naka-lockdown ang 13 dahil parin sa banta ng COVID-19.