Ni Melrose Manuel
KUMPIYANSA si Senate President Vicente Sotto III na hindi magtatagumpay ang mga petisyon na inihain laban sa Anti-Terrorism Law.
Ayon kay Sotto, hindi naman kasi masisindak ang Korte Suprema sa dami ng petisyon dahil ang labanan umano dito ay ang nilalaman ng mga petisyon.
Kaugnay nito’y tiwala rin sina Senador Ronald Dela Rosa at Panfilo Lacson na malulusutan ng naturang batas ang lahat ng petisyon dahil naging maingat umano sila sa pagbabalangkas ng batas.
Sinabi naman ni Sen. Dela Rosa na ang petisyon ng mga grupo ay bunga lamang ng takot sa mga maling impormasyon na kumakalat.