Ni Karen David
NADAGDAGAN pa ng siyam ang bilang ng mga Pilipino na nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang ngayong araw, kabuuang 8,688 na ang mga tinamaang overseas Filipino ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 2,893 ang patuloy na nagpapagamot.
Nasa labing pito naman ang nadagdag sa mga gumaling dahilan para umabot na ito sa 5,218 habang nanatili naman sa 577 ang mga namatay.
Pinakamarami pa rin na tinamaan ng COVID-19 ang mga Pilipino na nasa Middle East na nakapagtala ng 6,305 na kaso.
Sinundan ito ng Europe na may 1,016 overseas Filipino na may COVID-19; Amerika na may 697 cases habang 670 na kaso naman sa Asia Pacific Region.