Ni Vhal Divinagracia
DAPAT palaging magalang ang mga pulis na nagmamando sa mga checkpoints.
Ito ang naging paalala ni Philippine National Police Chief General Archie Francisco Gamboa.
Marami kasi ani Gamboa ang nagrereklamo tungkol sa asal ng mga pulis sa border control points.
Binabalaan naman ni Gamboa na kung patuloy pa makakatanggap ng reklamo ang national headquarters ay mananagot ang mga regional directors.