Ni Pol Montebon
NABUHAYAN ng loob ang grupo ni Samson a. k. a. Sammy, nang ibalita na maaari na silang tumanggap ng iba pang serbisyo bukod sa paggugupit lamang.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, pwede na rin ang iba pang serbisyo gaya ng manicure, pedicure, foot spa pero alinsunod sa ilalabas na guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Sec. Roque, malilinawan din sa ilalabas na guidelines ng DTI kung kasama na sa papayagan ang masahe sa mga nagpapagupit.
Aniya, sa mg kagaya nilang nangongomisyon at may mga pinapaaral at binubuhay, malaking bagay anila ang pagpayag ng pamahalaan sa mga extra services.
Aminado si Sam, na bagamat nakabalik man sila sa operasyon, pero hindi pa rin ito sapat bilang panustos sa pangangailangan ng bawat nilang pamilya.
Nagpaalala sa ngayon ang pamahalaan, na hintayin muna ang ipalalabas na panuntunan ng DTI sa mga susunod na araw.
Kaugnay dito, patuloy ang paghahanda ng salon na pinapasukan nina Sam gaya ng pagmimintina sa social distancing sa pamamagitan ng paglalagay ng plastic dividers, pagsusuot ng face mask at personal protective gear o PPE bilang panlaban sa posibleng pagkalat ng sakit na COVID-19.