Ni Vic Tahud
INILUNSAD ng Lungsod ng Maynila ang Mobile Serology Testing Clinic na magsagawa ng mass testing ng COVID-19.
Dalawang mobile truck ang pupunta sa mga barangay na mayroong matataas na kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, nanatili si Barangay 20, Parola Compound ang isa sa mobile clinic dahil sa pagkakaroon nito ng labing anim na aktibong kaso ng virus.
Ang isa pang mobile clinic ay nasa Barangay 401 kung saan meron naman labing pitong COVID-19 cases.
Samantala, naka-schedule na pupunta sa barangay 50 at 189 ang mobile clinic bukas kung saan ay kayang makapagsagawa ng 100 test kada araw.