Ni Troy Gomez
NGAYON, ang unang araw ng implementasyon ng backriding for couples. Pero paalala ng mga otoridad, dapat naka-helmet at face mask ang rider at pasahero nito at maglagay ng protective barrier sa motorsiklo. Pero sa ngayon, sisitahin lang muna ang motorsiklo na wala pang barrier pero may angkas.
Magbibigay lang muna sa ngayon ng warning ang mga pulis sa mga motorsiklo na wala pang barrier pero may angkas.
Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing, habang hinihintay pa ang paglalabas ng rules and regulations kaugnay ng back riding sa motorsiklo ngayong araw.
Pero aniya, sa susunod na araw magkakaroon na ng apprehension ang kapulisan sa mga lalabag dito.
Muli ring ipinaalala ni Malaya na kailangan sa mag-asawa na pareho silang may maipakitang dokumento o ID sa mga pulis bilang patunay.