Ni Melrose Manuel
PUMALO na sa 202 ang bilang ng mga tauhan ng MRT-3 na nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa update sa MRT-3 testing hanggang alas sais kahapon, kabilang sa mga nagpositibo ang 181 na depot personnel, 16 na station personnel at lima na iba pang staff.
Kasama sa mga nagpositibong station personnel ay isang nurse mula sa Taft Avenue Station at labing limang ticket sellers kung saan walo sa North Avenue, tatlo mula sa Cubao, dalawa sa GMA Kamuning, isa sa Quezon Avenue at isa ay reserve status.
Ang iba pang staff na nagpositibo sa virus ay ang tatlong train drivers at dalawa mula sa control center.
Kaugnay nito, sinabi ni MRT-3 Director Mike Capati sa panayam ng SMNI News na nagsasagawa na sila ngayon ng extensive disinfection sa depot at sa mga estasyon ng tren ng MRT-3.
Kasabay nito, umaasa ang pamunuan ng MRT-3 na makakabalik-operasyon sila sa araw ng Linggo o Lunes Hulyo a-trese.