Ni Melrose Manuel
PANSAMANTALANG sususpendihin ang operasyon ng MRT-3 simula ngayong araw kasunod ng dumaraming bilang ng mga personnel na nagpositibo sa COVID-19.
Ang temporary shutdown ay ipatutupad upang magbigay-daan sa RT-PCR (swab) testing ng lahat ng empleyado ng MRT-3, kasama na ang mga empleyado ng maintenance provider at subcontractors nito.
Upang mapigilan ang pagkalat ng sakit at maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga personnel at commuter.
Tatagal naman ang shutdown ng limang araw o hanggang ika-11 ng Hulyo 2020.
Samantala, upang tulungang maihatid ang mga commuter, magpapatuloy ang MRT-3 bus augmentation program na may 90 na bus at may fixed dispatching interval na kada 3 minuto.