Ni Karen David
PUMALO na sa kabuuang 3,407 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Batay sa datos na inilabas ng Manila Public Information Office (MPIO), sa nasabing bilang ay nasa 1,373 ang active cases sa lungsod matapos itong madagdagan ng 159 mula Hulyo 11 hanggang Hulyo 13.
Nadagdagan naman ng 167 ang mga nakarekober sa sakit para umakyat na sa 1,858 ang mga gumaling. Habang nasa 176 na ang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng anim.
Samantala, sinabi ng MPIO na mayroon ang lungsod ng 443 na residente na itinuturing na “suspect cases” at 57 na “probable cases”.