Ni Pat Fulo
MAHIGIT 3.3 milyong benipisyaryo na ang nabigyan ng ayuda sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit 20 bilyong piso mula sa 100 bilyong pisong pondo para sa ikalawang bugso ng SAP.
Sa kabila nito, inihayag ni Roque na sila ay nababagalan sa proseso ng second tranche.
Gayunman, sinabi nito na naiintindihan at tinatanggap nila ang dahilan ng DSWD ukol sa delay ng pay-outs.
Naniniwala rin anito ang Palasyo sa deklarasyon ng ahensya na makukumpleto nito ang pamimigay ng cash assistance ngayong Hulyo maliban sa mga lugar na walang access sa internet.