Ni Melrose Manuel
MARIING iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na tanging ang korte lamang ang makakapagpasya sa mga nasilip na franchise violation ng ABS-CBN.
Ayon kay Lagman, hayaan na lamang ang korte ang magpasya at magpataw ng mga penalty kapag napatunayan ang paglabag.
Komento naman ni Lagman sa pinagdaanan ng ABS-CBN sa mga naganap na congressional inquiry, mistulang nahatulan na sa Kamara ang network base sa pagtatanong na ginawa ng mga kasamahan niyang mambabatas.
Punto ni Lagman, hindi dapat pahintulutan ang in-aid of persecution sa Kongreso.
Matatandaan na iimbestigahan pa ng House Blue Ribbon Committee ang ABS-CBN deal sa AMCARA at kasama sa mag-iimbestiga ay ang NBI.