Ni Justine Nazario
NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang national security adviser ni US President Donald Trump na si Robert O’Brien ayon sa White House.
Si O’Brien ang kauna-unahan sa mga highest-ranking officials ng Trump administration ang nagpostibo sa COVID-19.
Hindi pa natutukoy kung kailan muling nagkita si O’Brien at si Trump pero ayon sa ulat noong Hulyo 10 pa sila huling nagkita sa publiko na magkasama.
Ayon sa imbestigasyon, nagpositibo rin ang anak ni O’Brien sa COVID-19 at naniniwala ang opisyal na doon nakuha ni O’Brien ang sakit dahil nagkaroon ito ng family vacation.
Samantala, ayon sa pahayag ng White House wala umanong risk ng exposure sa COVID-19 si Trump at U.S. Vice President na si Mike Pence.