Ni Karen David
ITINANGGI ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga ulat na wala na umanong bakanteng hospital bed para sa mga COVID-19 patients sa Metro Manila.
Sinabi ni Roque na marami pang available na hospital bed sa National Capital Region.
Ayon kay Roque, nasa 28,000 ang hospital beds sa NCR kung saan 8,400 ang nakalaan sa mga COVID-19 patient.
Sa ngayon aniya ay nasa 3,602 pa lamang ang okupado.