Ni Vhal Divinagracia
KASALI ang mga makakaliwang grupo sa pababakunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa COVID-19.
Sa naging public briefing nito sa Malacañang kagabi, sinabi nya na hangga’t walang gagawing masama ang mga makakaliwang grupo ay maari itong makapag-avail ng COVID-19 vaccine.
Ani Pangulong Duterte, walang problema aniya kahit pa iaanunsyo nito na myembro ito ng New People’s Army o NPA.
Hindi man aniya sana karapat-dapat ang mga ito pero sa ngalan ng pagiging Pilipino, ay handang tumulong ang pangulo.
Binabalaan lang ni Duterte ang mga makakaliwang grupo na kung galawin nito ang mga sundalo at iba pang frontliners sa kasagsagan ng pandemya, ay tiyak aniyang may hindi magandang mangyari sa pagitan ng pamahalaan at mga leftists.
Samantala, sa ngayon ay wala pang tiyak na araw kung kailan magkakaroon ng vaccine sa nasabing virus.