Ni Melrose Manuel
UMABOT na sa 102,519 overseas Filipinos ang nakauwi sa bansa sa loob ng limang buwan mula nang pasimulan ang repatriation program ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) pinakahuling napauwi sa bansa ang 12,022 overseas Filipinos.
Sa mahigit 100,000 repatriates mula Pebrero, 42.8 percent ay mga sea-based at 57.2 percent naman ang land-based workers.
Kaugnay nito, tiniyak pa ng DFA na magpapatuloy ang kanilang pagpapauwi sa mga stranded OFWs mula sa iba’t ibang bansa sa gitna ng hamon dulot ng COVID-19-related lockdowns at travel restrictions.