Ni Pat Fulo
POSIBLENG bumagsak ng hanggang 5% ang overseas Filipino Workers (OFWs) remittances ng bansa dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang nakikitang pagbaba ng remittances ngayong taon ay dahil na rin sa pagbabalik-bansa ng libu-libong OFWs.
Ito ay matapos na maapektuhan din ng krisis ang kinabuhayan ng mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat.
Mula sa 38 bilyong dolyar kada taon na remittance ay maari itong bumaba sa 28.5 bilyong dolyar.