Ni Vhal Divinagracia
IMINUMUNGKAHI ngayon ng Commission on Higher Education o CHED na sa second semester na ang on-job trainings at internship para sa pasukan ngayong taon.
Sa naganap na public address kagabi sa Malacanang, ibinahagi ni CHED Chairperson Prospero De Vera ang nasabing suhestiyon.
Ito’y matapos marami na ani De Vera ang nagsasarang mga paaralan dahil sa mababang enrollees.
Takot aniya ang mga magulang at estudyante dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-19.