Ni Melrose Manuel
NANAWAGAN si Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez sa pamahalaan na pagkalooban ng P100,000 cash assistance ang naiwang pamilya ng nasa 301 Overseas Filipino Worker o OFW na namatay dahil sa COVID-19.
Mungkahi ni Rodriguez na idagdag sa proposed Bayanihan 2 o We Recover as One Law ang ayuda bilang pagbabalik loob sa kabayanihan ng mga Pinoy worker.
Giit ni Rodriguez, hindi matatawaran ang serbisyo ng mga OFW sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic na naging dahilan ng kanilang pagkasawi.
Punto ni Rodriguez, iba pa ang mungkahi niyang ayuda sa assistance naman na ibibigay ng DOLE at OWWA sa pamilya ng mga biktima.
Nanawagan naman si Rodriguez sa mga local government units na magpaabot din ng tulong sa mga constituents nila na kasama sa COVID-19 casualty sa ibang bansa.