Ni Melrose Manuel
NAGLAAN na ng ₱150-million ang Department of Agriculture (DA) para tulungan ang mga magsasaka para makontrol ang pinsala sa mga pananim.
Dahil ito sa 8,000 ektarya na ng mga pananim na mais sa buong bansa ang apektado ng pamemeste ng ‘fall armyworm’.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nag-deploy na rin ng mga crop experts ang ahensya at bumili ng crop protection chemicals at bio control agents na epektibong panlaban sa peste.
Ayon sa DA, nasa 4,214 ektarya ng maisan sa Cagayan Valley ang na-damaged na, sinundan ng Soccsksargen na may 1,730 ektarya; Northern Mindanao na may 882 ektarya, at Zamboanga Peninsula na may 665 ektarya.
Sa ngayon, may 208 munisipalidad at 47 lalawigan ang apektado na ng ‘fall armyworm’.