Ni Kristine Joy Labadan
MAHIRAP ang pakikinig dahil madalas tayo’y maraming inaalala lalo na sa ating mga pansariling agenda, ayon kay Hal Gregersen, executive director ng MIT Leadership Center. “It’s really hard to walk into agenda. conversation without my agenda being written on my forehead and your agenda written on yours,” dagdag pa niya.
Paano baliin ang ilang masamang nakasanayang gawin sa usapan? Narito ang ilang paraan para maging epektibong tagapakinig:
- MAKINIG PARA MATUTO, HINDI PARA MAGING MAGALANG
“Often, whether realizing it or not, people listen to each other out of generosity, not out of curiosity,” pahayag ni Ajit Singh ng Artiman Ventures at tagapayong propesor ng School of Medicine sa Stanford University. “Listening is good, but the intent has to be curiosity, not generosity. True dialogue does not happen when we pretend to listen, and it certainly cannot happen if we are not listening at all.”
“If we ever finish a conversation and learned nothing surprising, we weren’t really listening,” dagdag niya.
- PAHINGAHIN ANG MGA INIISIP
Habang hindi mo kontrolado ang pag-iisip ng iba, maaari mo namang kontrolin ang sa’yo at ‘yun ay ang pagpapatahimik sa sariling iniisip para sa epektibong pakikinig.
- MAGTANONG
Isa sa mga pinakasimpleng paraan upang maging epektibong tagapakinig ay ang pagtatanong kumpara sa pagbibigay ng sagot, ayon kay Gregersen. Sa pagtatanong, nakakagawa ka ng ligtas na espasyo para sa ibang tao na bigyan ka ng purong katotohanan.
- ULITIN ANG IYONG NARINIG
Ugaliin ang aktibong pakikinig. Ang simpleng konsepto nito ay ang pag-ulit sa sinabi ng iyong kausap base sa iyong narinig. Kung umayon ang nagsasalita sa iyong narinig, maaari na kayong umusad, kung hindi nama’y, maaaring ipahayag muli sa ibang paraan ng kausap ang mga sinabi nito hanggang sa maintindihan mo.
Habang nakakasanayan ang pakikinig, mapapansin mong mas maraming tao ang mapapalapit sa’yo para hingin ang iyong opinyon at tugon.