Ni Justine Nazario
NAG-REACT ang ilang personalidad sa nangyaring pag-aresto kay veteran broadcast journalist at COVID-19 survivor na si Howie Severino matapos nitong ibaba ang face mask para uminom.
Ayon kay Howie umiinom siya nang sitahin siya ng mga awtoridad ng Quezon City Department of Order and Safety (DPOS).
Sa tweet ni Frankie Pangilinan na nagtrending sa twitter, sinabi nito na “how are we supposed to drink” tila hindi makapaniwala ni Frankie sa dahilan ng pagkaaresto ni Howie.
Samantala, ginawa namang kwela ng kapwa broadcaster nito na si Arnold Clavio ang suhestiyon niya sa kung ano dapat ang ginawa ni Howie kung saan isang litrato ang pinost ni Arnold na improvised mask na may malaking butas sa bibig.
Gayunpaman, ayon kay Howie matapos siyang dalhin sa isang COVID-19 seminar ay pinauwi na rin siya ng mga awtoridad ng QC.