Ni Pat Fulo
SUPORTADO ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mungkahi ng Department of Finance (DOF) patungkol sa pagbabawal sa bentahan ng alak at sigarilyo online.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, ito ay dahil madali ang access online at delikado ang mga menor de edad ang maging buyers ng mga ito.
Lalo na aniya ngayong madali ang access online para sa mga kabataan.
Hindi rin aniya matitiyak ng mga sellers ang edad ng buyers kung wala itong mga profile.
Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang ahensya sa DOF upang makabuo ng sistema sa online selling platform upang masiguro na mairehistro ito sa DTI at Bureau of Internal Revenue (BIR).