Ni Margot Gonzales
ISINUSULONG ngayon ni Senator Imee Marcos ang pagpapalawak ng jurisdiction ng justice system sa barangay level.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1544 ay nais ng senadora na palawakin ang scope ng kaso na maaring dinggin sa Lupong Tagapamayapa.
Kung saan ilan sa kasong maari dinggin sa baranggay sa ilalim ng nasabing panukala ay ang mga sikretong ipinalabas, qualified theft, estafa, fencing, malicious mischief, libel at adultery.
Ayon sa senadora mainam na maging batas ang panukala para mapabilis ang pagresolba ng mga kaso at maiiwas ang offending party sa paggasto ng malaking pera habang iprinoproseso ang kanilang kaso.
Maliban naman dito ay iminungkahi rin ng mambabatas ang isang probisyon na kung saan ay papayagan na ng batas na ang offended party na nakatira sa magkaibang probinsya, syudad o munisipildad na dalhin ang kaso sa Lupon ng Barangay kung saan nakatira ang offending party.
Sa kasalukuyan kasing provision ng batas ay dinidinig lamang ng barangay ang kaso ng magkaaway na party kung sila ay nakatira sa magkaparehong syudad o municipalidad.
Sa kasalukuyan, ang mga kaso ng pagkasira ng property, slander, physical injuries, threats, robbery, trespassing, vexation at family problems ang ilan sa mga kasong idinudulog sa mga barangay.
Ang mga kaso naman na hindi maaring dinggin sa barangay ay yaong mayroong kaparusahan na mahigit isang taon na pagkakakulong o fine na hindi lalagpas sa limang libong piso.
Samantala para naman kay Kapitan Rolando Reyes ng Brgy. Bangkulasi, Navotas City magdaragdag lamang ng malaking burden at dagdag trabaho sa kanila ang nasabing panukala.
Ayon pa kay Reyes hindi sapat ang kaalaman ng isang brgy. chairman, bilang presiding officer ng justice system ng barangay para dinggin ang mas mabibigat na kaso.
Sa huli ay nanawagan na lamang si kapitan sa senadora na unawain ang kanilang sitwasyon lalo na sa panahon ng pandemya.