Ni Karen David
PINALAWIG pa ng Inter-Agency Task Force o IATF ang deadline para sa paglalagay ng protective dividers sa mga motorsiklo.
Mula Hulyo 20, pinalawig ito ng IATF hanggang sa Hulyo 26.
Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, sa Hulyo 27 na magsisimulang manghuli ang mga awtoridad ng mga rider na may angkas ngunit walang motorcycle barrier.
Muli ring ipinaalala ni Eleazar na ang motorcycle backrides ay para lang sa mag-asawa o live-in partners.
Matatandaang dalawang prototypes para sa barrier ang inaprubahan ng gobyerno; ang shield na nakalagay sa motorsiklo at ang backpack-like na design ng ride hailing platform na Angkas.