Ni Margot Gonzales
NANINIWALA si Senator Sherwin Gatchalian na mas dapat tutukan ng pamahalaan ngayon ang pagpapaigting ng kapasidad ng ospital sa pagtanggap ng mga COVID patient.
Ito ang naging opinyon ng senador matapos ang statement mula kay Presidential Spokesperson Harry Roque na maaring bumalik ang bansa sa modified enhanced community quarantine o MECQ dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Gatchalian marami lang ng mga Pilipino ang mawawalan ng trabaho at magugutom sa oras na mangyari ang pagbabalik ng bansa sa MECQ o ECQ.
Aniya mas dapat gawing prayoridad ngayon ay ang pageexpand ng hospital capacity para agad na mabigyan ng medical attention ang mga pasyente.
Ilan aniya sa maaaring gawin ay paglalagay ng hospital tent o temporary wards para hindi mapabayaan at lumubha ang kalagayan ng mga pasyenteng may mild cases lamang.
Para naman makontrol ang pasaway na hindi bumabalik sa ECQ o MECQ ay kailangan aniya ang kamay na bakal ng barangay o LGU officials.
Aniya welcome sa kaniya ang presensya ng militar para sa pagbabantay sa mga pasaway.