Ni Jao Gregorio
NAPAPANAHON na ayon kay dating Senador Bongbong Marcos na isulong ang Charter Change sa bansa.
Sa naging panayam ng SMNI News kay Bongbong, aniya sa nakalipas na tatlumpung taon ay nakita na ng taumbayan na may dapat nang palitan sa ating Konstitusyon.
Pero giit ng dating mambabatas na baka hindi na kayanin na ipatupad ito sa termino ni Pangulong Duterte. Pero, hindi aniya nakakasama at nararapat nang mapag-usapan ito ngayon.
Paglilinaw pa ng mambabatas na hindi ito pampulitikang usapin ngunit para lamang maisaayos at mapaganda ang takbo ng pamahalaan lalo na sa mga local government unit.