Ni Melrose Manuel
EPEKTIBO ang economic offense na gagamitin na stratehiya ng Pililipinas upang labanan ang pagbagsak ng ekonomiya dulot ng COVID-19.
Ito ay ayon kay House Ways and Means Committee Chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda, isang kilalalang ekonomistang mambabatas.
Dahil dito, nanawagan ang mambabatas na pagtibayin agad ng Kongreso ang panukalang ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act,’ na matagal nang nakabinbin sa lehislatura, at lalong pasiglahin ang implementasyon ng “Build, Build, Build Program” ng pamahalaan.
Isinusulong din nito ang programang “Lupigin ang COVID-19” ni Pangulong Duterte na inaasahan niyang babanggitin ng Pangulo sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.
Sa huli, iginiit pa ni Salceda na kailangang seryosohin ng pamahalaan ang paglaban sa pandemya para hindi tuluyang babagsak ang ekonomiya ng bansa.