Ni Vic Tahud
TARGET ng pamahalaan na mapauwi na ngayong Huwebes ang mga natitirang locally stranded individuals sa Rizal Memorial Football Stadium.
Kahapon, mahigit apat na libong mga LSIs na ang napauwi ng gobyerno sa pangunguna ng Presidential Management Staff, Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines.
Samantala, 284 LSIs ang pansamantalang dinala sa housing site sa Bulacan habang hinihintay na alisin ng kanilang mga probinsya ang entry ban sa mga bumabalik na LSIs at OFWs.
Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, sa ngayon, mayroon pang dalawang libong mga LSIs ang nananatili sa Rizal Memorial Football Stadium habang hinihintay ang biyahe papuntang Zamboanga, Butuan at Davao Provinces.
Plano ni Año na ihiwa-hiwalay ang mga meeting point ng mga tao depende sa rehiyon kung saan sila uuwi upang maiwasan ang pagkakakumpol-kumpol ng mga tao.