Ni Melrose Manuel
SESERTIPIKAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang urgent bill ang stimulus package para maibsan ang epekto ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang inihayag ng Presidential Spokesperson Harry Roque.
Iginiit ni Roque na susuportahan ng pamahalaan ang panukalang ito para mabawi ang ekonomiya na lubos na naapektuhan ng pandemya.
Matatandaang hindi napalawak ang bisa ng Bayanihan to Heal as One Act dahil nag-adjourn na ang sesyon ng Kongreso.
Matatandaang natapos ang Bayanihan to Heal as One Act noong ika-dalawampu’t lima ng Hunyo.
Asahang ilalahad ng Pangulo ang iba pang plano ng gobyerno sa laban kontra COVID-19 sa darating na ika-limang State of the Nation Address.