Ni Melrose Manuel
INIHAIN na rin ang pang ika-sampung petisyon na kumukuwestiyon ng ilang probisyon ng Anti-Terrorism Law.
Nasa 44 na mga petitioners mula sa iba’t-ibang sektor ang sumugod sa Supreme Court (SC) para kwestiyunin ang legalidad ng kontrobersiyal na batas.
Kasunod ito nang naging epektibo ang naturang batas noong Sabado, Hulyo, 18, labing limang araw matapos malathala sa mga pahayagan.
Ayon sa mga naghain ng petisyon, labag sa karapatan sa due process, free speech, bail, at travel, at constitutional protection laban sa warrantless arrest at detention without charges, at marami pang iba ang Anti-Terrorism Law.
Hinihimok din ng grupo ang SC na ipatigil ang convening ng Anti-Terrorism Council at Joint Oversight Committee, at iantala ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations ng batas.