Ni Melrose Manuel
IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nababahala siya sa kalagayan ng Cebu, na probinsya anya ng kanyang ama.
Sinabi ito ng Pangulo matapos magdesisyon ng gobyerno na panatilihin ang Cebu City sa Enhanced Community Quarantine dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon sa Pangulo, isa rin siyang Cebuano, ngunit ang ayaw niya sa mga lokal ay ang patuloy na pakikipag-inuman, pakikipagsugal, at pagdaraos ng party sa gitna ng outbreak.
Samantala, ibinunyag naman ni Health Secretary Francisco Duque na nasa 90.6 na ang utilization rate ng mga kama sa Cebu City habang nasa 84.6% na ang utilization rate ng ICU beds.