Ni Melrose Manuel
NASA desisyon ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung iuurong o hindi ang pagbubukas ng klase anumang petsa bago ang Agosto.
Ito’y matapos lagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11480 na may layong amyendahan ang RA 7797 partikular na ang bahagi na nagsasabing ang opening classes ay dapat gawin sa pagitan lamang ng unang Lunes ng Hunyo at hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakasaad sa bagong pirmang batas na pahihintulutan ang Punong-Ehekutibo base sa rekomendasyon ng Education Secretary na mag-schedule ng ibang petsa kung may deklarasyon ng state of emergency o state of calamity.
Saklaw ng naturang batas ang lahat ng basic education schools kasama ang foreign at international schools.
Maliban ito, pinahihintulutan din ang Saturday classes para sa elementary at secondary levels sa pampubliko at pribadong mga eskwelahan.