Ni Vic Tahud
IPINRISENTA na ni Department of Education Sec. Leonor Briones ang panukala sa pagkakaroon ng limited face to face classes sa pakikipagpulong nito kasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ibang miyembro ng Inter-Agency Task Force.
Paglilinaw ni Briones, ito ay para lamang sa mga lugar na tinaguriang “low risk” o may mababa hanggang walang kaso ng COVID-19.
Dagdag pa ni Briones, kung magkakaroon ng face to face classes, ito ay hindi gagawin sa loob ng limang araw kundi isa lamang o dalawang araw.