Ni Arjay Adan
MULING naiatras ang Paris Marathon sa ikalawang pagkakataon dahil sa banta pa rin ng coronavirus pandemic.
Kinumpirma ito mismo ng organizers ng pamosong marathon at sinabing ililipat nila ito sa November 15 imbes na October 18.
Magugunita na noong nakaraan buwan nang kanselahin din ng New York at Berlin ang naka-schedule nilang marathon habang ang karera naman sa London at Chicago at magpapatuloy pa rin sa October 4 at 11.
Matatandaan naman na noong nakaraang taon ay nanalo si Abrah Milaw ng Ethipia sa Men’s Edition ng Paris Marathon habang si Gelete Burka naman ang itinanghal na kampeon sa Women’s Title.