Ni Karen David
NAKAALIS na sa Berth 3, South Harbor sa Maynila ang BRP Gabriela Silang para maghatid ng mga Locally-Stranded Individual o LSI.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 216 na LSI ang lulan ng barko na patungong Tagbilaran, Bohol.
Bukod sa Gabriela Silang, maghahatid din ng mga LSI ang BRP Cabra, BRP Malapascua at BRP Lapu-Lapu.
Ang inisyatibong ito ay pakikiisa ng PCG sa malawakang ‘Hatid Tulong Program’ ng pamahalaan para masiguro ang ligtas na pag-uwi ng LSI sa kani-kanilang pamilya sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.