Ni Melrose Manuel
UMABOT na sa 25 ang bilang ng mga personahe ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at attached agencies nito ang nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, kabilang sa personnels na na-infect ng virus ay ang nasa production of communication materials, TV at radio programs na umaalalay sa pang-araw-araw na press briefings.
Dagdag pa ni Andanar, upang mapaigting pa ang inisyatiba at aksyon sa pagtugon sa sitwasyon, binuo ang COVID-19 response team para makipag-ugnayan pagdating sa contact tracing, testing, monitoring, at isolation o quarantine.
Sa 25 na bilang ng COVID positive, aabot sa labing pito (17) ang aktibong kaso mula sa kanilang main office habang ang natitirang anim (6) ay mula sa attached agencies nito. Dalawa (2) naman ang nasawi.
Para sa State of the Nation Address (SONA) ngayong araw, naka-deploy ang ibang team ng RTVM na binubuo ng mga indibidwal na hindi nakahalubilo ang infected personnels.