Ni Vic Tahud
ITINANGGI ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na kumuha ang mga ito ng mga troll para atakihin ang ABS-CBN sa social media.
Ito ay matapos lumutang sa social media ang isang screenshot ng private chat ng “DDS Solid” kung saan nag-uusap ang ilang mga social media personality na sina RJ Nieto o “Thinking Pinoy” at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson.
Nakasaad sa nasabing private chat ang mga tinatarget ng administrasyong Duterte at mga sweldo na matatanggap nito.
Sa kabila nito, pinabulaanan ng PCOOang involvement ni Sec. Martin Andanar sa nasabing usapin.
Ayon naman kay Nieto, ito ay isang fake group chat.