Ni Vhal Divinagracia
LABING-ANIM hanggang dalawampung araw na lang ang pagproseso ng permits para sa pagtatayo ng telco towers.
Ito ang ibinahagi ni Department of the Interior and Local Government Eduardo Año sa isinagawang public briefing sa Malacañang kagabi.
Isang joint memorandum circular ang pinirmahan ng ilang departamento ng pamahalaan noong Hulyo 22 bilang pagtugon na rin sa hiling ng telecommunications companies.
Bunsod na rin ito sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari nyang ipasara ang mga telco dahil sa mahinang internet connection.
Ayon kay Año, mula sa dalawangdaang araw na pagproseso ng licenses, applications at permits ay magiging tatlong linggo nalang ito. Titiyakin din ani Año na susundin ito ng lahat na LGUs.
Samantala, masaya naman si Globe Telco President Ernest Cu na personal na dumalo sa naging public briefing para sa naturang anunsyo.
Matatandaang sinabi ng mga telco companies na dahil sa matagal na proseso ng kanilang aplikasyon ay naapektuhan din ang serbisyo nila sa mga mamamayan.