Ni Vic Tahud
HINDI na muna tatanggap ng malubhang pasyente ng COVID-19 ang Philippine General Hospital o PGH.
Ito ang inihayag ng PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario.
Ayon kay Dr. Del Rosario, halos full capacity na ang kanilang Intensive Care Unit o ICU.
Bukod pa rito, kailangan pa nilang maglaan ng dalawa o tatlong beds sa kasalukuyan nilang pasyente na maaaring mapunta sa ICU.
Sa ngayon, ang PGH ay may 95% occupancy rate at mayroon ng 172 COVID-19 patients.
Sa kabila nito, sapat ang mga health worker ng PGH na mag-aalaga sa mga COVID-19 patient.