Ni Melrose Manuel
MALAPIT nang umabot sa “full capacity” ang status sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa COVID-19.
Ayon kay PGH Spokesperson Jonas Del Rosario, lumagpas na sa 130-bed allocation ang bilang ng mga COVID-19-related patients sa kanilang ospital.
Nasa 160 na mga pasyente na aniya sa ngayon ang kasalukuyang naka-admit sa PGH na may kaugnayan sa COVID-19.
Bagaman mayroon pang buffer beds ay nagamit na aniya ang 90% ng kapasidad ng ospital dahil na rin sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.
Ang PGH ay isa sa mga referral hospital para sa mga pasyenteng may kaugnayan sa COVID-19.