Ni Melrose Manuel
PINAGBIBITIW na ni Sen. Panfilo Lacson si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at Chief Executive Officer Ricardo Morales dahil sa panibagong isyu ng katiwalian sa ahensiya.
Ngunit ayon kay Morales, mas kinukonsidera nito na mag-leave muna.
Kasunod na rin ng mungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na mag-leave muna siya bilang pagpapakita ng delikadesa.
Sinabi pa ni Morales na ang problema ng korapsiyon sa ahensiya ay hindi naman kayang maresolba sa buwan-buwang palitan ang Pangulo ng PhilHealth dahil matagal nang problema ito ng ahensiya.
Nauna rito, tatlong opisyal ng PhilHealth ang nagbitiw sa puwesto kabilang na si Atty. Thorrsson Keith na siyang anti-legal fraud officer ng ahensya.